Pagbaba sa fuel surcharge suportado ng AirAsia Philippines

Ikinukunsidera na ng AirAsia Philippines ang pagpababa ng Fuel Surcharge Cost (FSC) mula sa  level 6 mula sa level 7 ngayon buwan ng Abrik. Sa inilabas na pahayag ng AirAsia, napapanahon ang hakbang dahil sa papalapit na Semana Santa at papasok na summer, kung kailan marami ang nais mag-biyahe sa loob at labas ng bansa. Paliwanag ng kompaniya, sa level 6 ang guest ay sisingilin na lamang ng P185 mula sa P665 para sa domestic flights at ang P949.51 sa international flights ay magiging P610.37 na lamang, depende na lamang din sa distansiya. “As the pioneering low-cost carrier in Asia, AirAsia will continue to make travels more affordable with its double digit campaigns and other seasonal promos such as the ongoing P1SO sale,” sabi ni  AirAsia Philippines Communications and Public Affairs head Steve Dailisan. Dagdag pa niya:“Any form of reduction in ticket value will not only motivate people to travel but also spur economic activity in the destinations where we fly to. Our commitment has never wavered in democratizing air travel despite the volatile pricing of fuel.”

Read more...