‘Major player’ sa Degamo slay-case sumuko – DOJ, DILG

DOJ PHOTO

Nasa kustodiya na ngayon ng gobyerno ang isa pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ang ibinahagi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa pagharap ng Task Force Degamo sa Department of Justice (DOJ).

Nabatid na ang suspek ay sumuko sa militar at nagbigay na ng pahayag sa National Bureau of Investigation (NBI).

Isinalarawan ni Remulla na kritikal at napakahalaga ng salaysay ng suspek, na dating sarhento sa Philippine Army (PA).

Tumanggi na lamang ang kalihim na magbigay ng karagdagang detalye bagamat aniya ang sumuko ay maituturing na ‘major player’ sa kasi.

Kasunod nito muling nanawagan naman si Interior Sec. Benhur Abalos sa iba pang may partisipasyon sa pagpatay kay Degamo na sumuko na lamang dahil maaring ipapatay sila ng utak.

 

Read more...