Hindi alam ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang pagbawi sa kanilang imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments ukol sa mga panukalamg pag-amyenda sa 1987 Comstitution.
Sa inilabas na pahayag ni Rodriguez, chairperson ng House Committee on Constitutional Amendments, kinansela ang imbitasyon sa kanila ng komite na pinamumunuan naman ni Sen. Robinhood Padilla.
Aniya ang pagdinig ay para dapat sa resolusyon sa Kamara para sa pagkakaroon ng Constitutional Conventio para sa pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Sinabi ni Rodriguez na ikinadismaya niya ang pangyayari dahil mismong si Padilla ang nag-anunsiyo noong Biyernes ng imbitasyon sa ilang taga-Kamara.
Wala din aniyang ibinigay na dahilan sa pagkansela sa imbitasyon sa kanya.
Umapila siya sa mga senador na pakinggan ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang nagkaka-isang panawagan para sa Charter change.
Natuloy naman ang pagdinig sa Senado, ngunit tanging sina dating Sen. Kit Tatad at PDP Laban Sec. Gen. Melvin Matibag ang humarap na resource persons.