Ibinasura ng Department of Justice ang isang kaso ng illegal possession of firearms na isinampa laban kay Congressman Arnie Teves.
Idinadawit si Teves sa kaso ng pagpatay kay negros Oriental Govoernor Roel Degamo.
Ayon kay Department of Justice spokesman Mico Clavano, mahina kasi ang kaso kung kaya ibinasura ng DOJ.
“Na-dismiss po iyong isang kaso of illegal possession of firearms against Congressman Arnie Teves,” pahayag ni Clavano.
“But like I mentioned a while ago ‘no, there are eight other cases against the Congressman, isa lang po iyon. At iyong dahilan ‘no kung bakit ko sinabi iyon ay masyado namang dinidiin ‘no sa media na na-dismiss iyong kaso ni Congressman Arnie Teves – pero isa lang po iyon and it goes to show na wala tayong pinipilit dito. Kung manipis ang kaso, especially in this case na wala namang tinatawag na conspiracy to possess firearms, dini-dismiss po ng DOJ iyo dahil wala naman talagang basis ‘no,” pahayag ni Clavano.
Nahaharap pa aniya sa iba pang kaso ng illegal possession of explosives at illegal possession of firearms si Teves at ang dalawa niyang anak na sina Jurt at Axel.
Maliban kay Teves, sinabi ni Clavano na lahat ng akusado sa Degamo ay nasa bansa pa naman.
“As of right now, yes, makakalabas po dahil wala po tayong compulsory process kung saan puwede natin silang ipilit na mag-stay dito sa bansa ‘no. Although dahil po ilalagay na sila sa international lookout bulletin, mayroon po tayong records kung saan sila pumunta, anong petsa po sila umalis – iyon po ‘yung mga relevant data na makukuha natin dahil ilalagay po natin sila sa lookout bulletin,” pahayag ni Clavano.