Plebisito sa Marawi, matagumpay ayon sa Comelec

 

Nasa 92 percent ang naging voter turnout sa plebisito sa paglikha ng dalawang barangay sa Marawi City.

Ayon kay Commission on Election Chairman George Erwin Garcia, marami sa mga residente ang bomoto na.

Pinagbobotohan ng mga residente kung karapat dapat o hindi ang paglikha sa Barangay Boganga III at Barangay Datu Dalidigan.

Nasa 7,000 at 9,000 aniya ang botante sa dalawang barangay.

Nakatutuwa aniya na buhay ang demokrasyo sa Marawi.

Marami sa mga residente ay bakwit mula sa nangyaring giyera sa sentro ng Marawi City nang lusubin ng teroristang group na Maute noong 2017.

 

Read more...