Putin ipinaaaresto ng ICC

 

Nagpalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) para kay Russian President Vladimir Putin.

Ito ay dahil sa ginawang pag-giyera ni Putin sa Ukraine.

Ipinaaaresto si Putin dahil sa hindi makataruang deportasyon sa mga bata at iba pang residenteng Ukraine patungo sa Russia.

Pero tugon ng pamahalaan ng Russia, mapangahas at walang basehan ang warrant of arrest ng ICC.

Sinabi pa ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov, walang hurisdiksyon ang ICC sa Russia.

 

Read more...