House Ethics Committee hearing sa pagliban ni Rep. Arnie Teves ikakasa

Sa Lunes, Marso 20, muling magsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Ethics ukol sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Nabatid na dalawang isyu ang tatalakayin ng komite na pinamumunuan ni  COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares.

Una ay ang sulat ni Teves sa komite kung saan ay ipinaliwanag niya ang kanyang ‘absence without official leave,’ gayundin ang kanyang hiling para sa dalawang buwan na ‘leave of absence.’

Nabatid na noong nakaraang Miyerkules isinagawa ang unang pagdinig ng komite.

Binigyan ng travel authority si Teves mula Pebrero 28 hanggang Marso 9 para sumailalim sa ‘stem-cell treatment’ sa US.

Noong Marso 4, pinatay si Negros Oriental Gov. Roel Degamo at nadamay ang walong iba pa at iniuugnay si Teves sa insidente.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, gustong bumalik na ng bansa ng kongresista ngunit natatakot ito sa kanyang kaligtasan.

Ipinarating na rin niya ang kanyang pangamba kay  House Speaker Martin Romualdez, na kabilang sa mga unang umapila sa kanya na bumalik na sa bansa.

 

Read more...