Balansehin ang interes sa wage hike calls – Jinggoy 

SENATE PRIB PHOTO
Kinikilala ni Senator Jinggoy Estrada na kailangan na tumaas ang sahod, ngunit kailangan na balansehin ang interes ng mga manggagawa at negosyante.   Binanggit niya ang micro, small and medium enterprises (MSMEs), ang itinuturing na ‘backbone’ ng ekonomiya ng bansa dahil ito ang bumubuo sa 95 porsiyento ng mga negosyo sa Pilipinas.   Ang mga maliliit na negosyo din aniya ang pinakalubos na tinamaan ng epekto ng pandemya.   Sa usapin ng pagbibigay umento ay hindi maiaalis din ang isyu sa seguridad sa trabaho, na hindi pa naabot ng maraming manggagawa sa bansa sabi pa ni Estrada. Kailangan din na ikunsidera ang posisyon ng nasa tripartite sectors – labor,, employer at gobyerno para makahanap ng posisyon na mapapagkasunduan ng lahat.   Kayat ayon sa senador, maraming bagay ang kailangan balansehin at ikunsidera para matiyak na mapapanatili naman ang trabaho, bukod pa sa mga mabubuo na bago.

Read more...