Pangulong Marcos Jr., isa ng ‘adopted son’ ng Camarines Sur

PCO PHOTO

Isa ng “adopted son” na si Pangulong  Marcos Jr. ng  Camarines Sur,  balwarte ng mahigpit na katunggali niya sa pulitika,  si dating Vice President Leni Robredo.

Mismong si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte ang nag-anunsiyo sa resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan. “For all that you have done for the province of Camarines Sur, as a way of expressing our everlasting gratitude for all that you have done, please allow me to present to you the resolution by the Sangguniang Panlalawigan of Camarines Sur, declaring you, Mr. President, as the adopted son of Camarines Sur,” pahayag ni Villafuerte. Nagtungo ang Pangulo sa Camarines Sur para pangunahan ang paglulunsad sa “Kadiwa ng Pangulo” at groundbreaking ceremony ng housing projects. Namahagi rin ang Pangulo ng  P826.1 milyong halaga ng ayuda sa mga magsasaka.

Read more...