Sen. Tolentino sa DTI: Ipaliwanag sa mamamayan ang mga programa para sa pagsisimula, pagpapalago ng negosyo

Hiniling ni Senator Francis Tolentino sa Department of Trade and Industry (DTI) na ipaliwanag ng husto ang kanilang mga programa para sa mga nais magkaroon ng sariling megosyo.

Gayundin, dapat din maging malinaw ang DTI sa mga iniaalok na tulong sa mga nais magpalago ng kanilang maliit na negosyo.

Sinabi ito ni Tolentino matapos ang town hall meeting ng binuo niyang ‘KLABARZON Society’ sa mismong Rizal Shrine sa Calamba City.

Aniya napakahalaga ng bahagi ng DTI sa isinusulong na One Town, One Product (OTOP) bill sa Senado.

Dagdag pa ni Tolentino, napakahalaga na tangkilikin ang mga lokal na produkto at aniya sa ganitong paraan ay maaring bumaba din ang presyo ng gawang-Filipino bukod sa mapalago ang mga maliliit na negosyo.

Kabilang sa mga dumalo sa town hall meeting sina DTI Usec. Ana Carolina, National Housing Authority Gen. Manager Joeben Tai, Laguna Gov, Ramil Hernandez, Laguna 3rd District Rep. Charisse Anna Hernandez, Calamba City Mayor Roseller Rizal at ang iba pang mga alkakde sa lalawigan.

Paliwanag ni Tolentino, inilunsad niya ang KLABARZON para sa pagpapalago ng ekonomiya, pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon at promosyon ng mga kultura, turismo at pagbibigay proteksyon sa kalikasan sa rehiyon.

Read more...