Suplay ng isda sapat sa Semana Santa – BFAR
By: Chona Yu
- 2 years ago
Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangingisda sa ilang lugar.
“Dahil nasa peak season tayo ngayon sa fishing activity. We expect na kaya nating punan ‘yung supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw,” pahayag ni Briguera.
Pero ayon kay Briquera, maaring maapektuhan pa rin ang suplay ng isda sa bansa dahil sa ilang balakid tulad ng nangyari ng oil spill sa Oriental Mindoro.
“Pero hindi namin nakikita na maakakaroon na panamalawakang kakulangan sa presvo na isda because of the oil spill,” pahayag ng opisyal.
Problema rin aniya ng mga mangingisda ngayon ang mataas na presyo sa produktong petrolyo at post-harvest losses.
“Alam natin na nagfa-fluctuate ang presyo ng petrolyo. Minsan tumataas ito at nagiging dahilan kung bakit nababawasan ang fishing activities kaya ang DA-BFAR ay patuloy na nagsusulong na subsidy program at technology assistance lalo na sa small-scale fisherfolk,” pahayag ng opisyal.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpapa tayo siya ng 11 cold storage facility para hindi masira ang mga huling isda.