P826 milyong ayuda sa mga magsasaka ipinamigay ni Pangulong Marcos
By: Chona Yu
- 2 years ago
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng P826. 1 milyong halaga ng interventions sa mga magsasaka sa Pili, Camarines Sur at Naga City sa Bicol.
Nasa PP584.8 milyong halaga ng Fertilizer Discount Voucher ang ipamamahagi ng Pangulo sa 121,658 rice farmers sa Bicol.
Dalawang libo sa mga naturang magsasaka ang makatatanggap ng P5, 600 na halaga ng fertilizer kada ektarya.
Nasa P67.6 milyong halaga ng Rice Farmers Financial Assistance ang ibibigay sa 13,529 rice farmers.
Nasa 1,500 na rice farmers ang makatatanggap ng P5,000 cash RFFA.
Pangungunahan din ng Pangulo ang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa Pili.
Ito na ang ikalawang Kadiwa ng Pangulo sa bansa. Ang unang Kadiwa ng Pangulo ay inilunsad sa Cebu.
Layunin ng Kadiwa ng Pangulo na matulungan ang mga magsasaka at mga negosyante sa micro, small medium enterprises.
Makakasama ng Pangulo sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo si Assistant Secretary for Consumer Affairs and DA Spokesperson Kristine Evangelista.
Dalawang araw ang trade fair sa Covered Court sa barangay Palestina sa bayan ng Pili.
Bukod sa 10 kadiwa partners, tatlong kooperatiba, apat na MSMEs, at tatlong individual young farmers ang makikilahok sa Kadiwa ng Pangulo.
Magbebenta naman ang National Food Authority (NFA) ng murang bigas habang ang Bureau of Fish and Aquatic Resources (BAR) ay mag-aalok ng seafood products.
Samantala, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 5 ay mamahagi naman ng 80 units na bangka sa 80 farmers associations.
Magpapagawa naman ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (Philmech) ng 45 units ng big-ticket projects na nagkakahalaga ng P164.2 M na rice combine harvester, transplanter, dryer, at rice mill sa 35 farmers cooperatives and associations.
Magbibigay naman ang Sugar Regulatory Administration (SRA), ng isang unit ng hauling truck na nagkakahalaga ng P3 milyon sa farmers association.
Isa pang DA-funded facility na nagkakahalaga ng P230 mikyon na Inclusive Agribusiness through Sustainable AgriFishery Enterprises (SAFE) Innovation Hub for Coconut and other By-Products processing facility ang ipagagawa ss San Jose, Pili.
Nasa 7,245 beneficiaries ang makikinabang at 420 workers ang makikinabang.