Napatay na suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo, dating rebelde

Dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay na suspek sa pagpatay kay  Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nakilala ang napatay na isang Arnil Labradilla, ayon kay Major Cenon Pancito, ng Special Joint Task Force Negros.

Napatay si Labradilla sa paghahabol ng mga awtoridad sa Barangay Cansumalig sa Bayawan City ilang oras matapos mapatay si Degamo.

Dagdag pa ng opisyal patunay lamang na may ‘combat experience’ ang mga suspek.

Sa ngayon, anim sa 10 suspek sa kaso ang nakilala at may apat pa na patuloy na hinahanap.

Read more...