Operation para sa mga biktima ng bumagsak na Cessna plane sa Isabela natapos na

 

Opisyal nang tinapos ang lahat ng mga operasyon kaugnay sa bumagsak na Cessna plane sa Isabela.

Kasunod ito nang pagkakadala ng mga labi ng anim na sakay ng Cessna 206 (RP-C1174) sa Cauayan City.

Ang mga biktima sa trahedya ay sina Capt. Mark Joven at mga pasahero na sina Josefa Perla Espana, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Rom Manaday at Xam Siguerra.

Inilipad ang mga labi ng Huey II helicopter ng Philippine Air Force (PAF) noong Martes ng umaga mula sa Divilacan.

Magugunita na 44 araw na hinanap ang naturang eroplano bago ito natagpuan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Ditarun sa Divilacan.

Patungo sa Maconacon ang eroplano nang biglang nawala ang komunikasyon nito makalipas ang isang oras mula nang lumipad mula sa Cauayan City Airport.

Jan.Radyo

Read more...