Non-working holiday sa Negros Oriental sa libing ni Gov. Roel Degamo
By: Chona Yu
- 2 years ago
Idineklara ng Malakanyang na special non-working holiday ang bukas, Marso 16, sa buong Negros Oriental kasabay ng libing ni Governor Roel Degamo.
Base sa Proclamation No. 185 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin para kay Pangulong Marcos Jr,, nakasaad na hiniling ng Office of the Governor na ideklarang special non-working holiday ang Marso 16 upang mabigyan ng pagkakataon ang buong probinsiya na magluksa para sa kanilang gobernador at sa iba pang nadamay sa pamamaslang.
“Whereas, the Office of the Governor has requested that 16 March 2023 be declared as a special non-working holiday in the Province of Negros Oriental to allow the community to grieve and honor the memory of Governor Degamo and the other victims,” nakasaad sa proklamasyon.
Nakasaad din sa proklamasyon na marapat lamang na bigyan ang mga mamamayan ng probinsiya ng oportunidad na maipakita ang kanilang respeto at makiisa sa paglilibing sa kanilang gobernador.
Si Degamo ay pinaslang noong Marso 4 habang namimigay ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa loob ng compound ng kanyang bahay sa bayan ng Pamplona.
Mismong si Marcos ay nangako na pananagutin sa batas ang mga nasa likod ng pagpaslang sa gobernador