Bato, Tulfo nabuwisit sa 2 pulis ipina-cite for contempt

SENATE PRIB PHOTO

Sa pagmamatigas ng dalawang pulis ipina-cite for contempt sila nina Senators Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Raffy Tulfo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ukol sa pagbibigay sa mga impormante ng 30 porsiyento ng nakukumpiskang droga.

Iipinag-utos ni dela Rosa na Chairman ng komite na i-cite in contempt at ikulong sa Senado sina Police Senior Master Sergeants Jerrywin Reborosa at Lorenzo Catarata matapos na itanggi ng mga ito na sila ang nakita sa CCTV na nagkarga at nagsauli ng 42 kilos ng iligal na droga na mula sa isinagawang anti-drug operative sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022. Ang 42 kilos ng iligal na droga na itinago umano ng dalawang pulis ay mula sa mahigit 990 kilos ng shabu na nakumpiska kung kailan naaresto sa drug trade na ito si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. Sa pagdinig, ibinulgar ni PNP Director for Investigation and Detective Management Police Major General Eliseo Cruz na may nakuha silang CCTV footages kung saan nakita ang tatlong pulis na may ikinakarga sa sasakyan na hinihinalang maaaring bumawas sa drogang nakuha kay Mayo. Ang mga pulis na nakita sa CCTV ay sina Reborosa, Catarata at ang nagresign na si Master Sgt. Roman Jimenez na ayon kay Cruz ay kinumpirma ng mga forensic experts. Ayon kay Chief Intelligence and Foreign National Division PNP Drug Enforcement Group Col.Rolando Portera, kausap niya si Reborosa para ibalik sa headquarters ang kinuhang droga ng mga pulis. Dito na nagalit sina dela Rosa at Tulfo dahil paulit-ulit na itinatanggi ng mga ito na sila ang kumuha ng mga nakumpiskang droga gayong kita sila sa CCTV at si Reborosa pa ang kinausap para sa pagsauli ng droga. Ang isinauling 42 kilos ng droga ay nakuha sa isang sasakyan sa gilid  ng Camp Crame.

Read more...