Maynilad handang gumastos ng P178-B para sa wastewater management

Balak ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na gumastos ng  Php178 bilyon para sa  wastewater management program. Ayon kay Maynilad Chief Operating Officer Randolph Estrellado, layunin ng programa na mapalawak pa ang sewer coverage at pollution management mula ngayon taon hanggang 2046. Sinabi pa nito, gagamitin ang naturang pondo para sa pagtatayo ng 18 bagong  Sewage Treatment Plants (STP) sa ibat ibang lugar. “The installation of around 360 kilometers of new sewer lines that will catch and convey used water from households to STPs, and the upgrade of 17 existing wastewater facilities to meet the revised effluent standards (DAO 2021-19) of the Department of Environment and Natural Resources, among other wastewater-related projects,” pahayag ni Estrellado. “Besides improving the distribution of drinking water supply, our investment program also includes the laying of essential infrastructure to collect and treat the wastewater generated by households so we can ensure environmental sustainability,” pahayag ni Estrellado. Sa ngayon, nagpapagawa na ang Maynilad ng bagong  STPs at laying sewer conveyance systems sa Valenzuela, Caloocan, Las Piñas, at Tunasan at Cupang sa Muntinlupa. Kapag naging operational, magkakaroon ng  capacity ang Maynilad na i-treat ang  419 milyong litro ng wastewater kada araw kung saan masisisebisyuhan ang  1.75 milyong residente. Bahagi rin ng long term plan ng kompanya ang konstruksyon ng 140-MLD-capacity STP at installation ng sewer lines sa Manila.  Nabatid na simula noong 2007, gumastos na ang Maynilad ng Php41.2 billion sa capital expenditures para sa wastewater management projects alone.

Read more...