Acting Mayor ng Cebu City at 7 iba pa, kinasuhan ng kidnapping

 

Sinampahan ng kasong kidnapping ng kagawad ng barangay Labangon na si Rodolfo Tabasa si acting Cebu City Mayor Margot Osmeña at pitong iba pa sa Ombudsman-Visayas.

Bukod sa kasong kidnapping, inakusahan rin ni Tabasa ng serious illegal detention, unlawful arrest at grave coercion si Osmeña, Government Services Office (GSO) chief Ronald Malacora, tauhan ng GSO na sina Kenneth Amar at Rafael Cabunilas, pati na ang apat na hindi pa natutukoy na mga pulis.

Noong June 10, inaresto si Tabasa sa kaniyang tahanan at nanatili ng buong magdamag sa kulungan ng Cebu City Police Office.

Kasama umano nina Amar at Cabunilas ang apat na pulis nang puntahan siyang mga ito sa kaniyang tahanan dakong alas-9 ng gabi at nagsagawa ng “citizen’s arrest” dahil sa umano’y pagtanggi niyang isauli ang Toyota Hilux na issued sa kaniya ng gobyerno.

Nang maupo si Osmeña bilang acting mayor ng lungsod, agad niyang iniutos ang pag-bawi ng lahat ng mga city-issued na sasakyan para sa inventory.

Isinampa ni Tabasa ang kaso sa Ombudsman, Martes ng hapon, kasama ang kaniyang asawa at mga abogado.

Read more...