Tatlong bata nailigtas ng NBI sa child pornography ring sa Cebu
By: Chona Yu
- 2 years ago
Nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong menor de edad sa child pornography syndicate sa Ronda, Cebu.
Ayon sa pahayag ng NBI, nakaligtas sa sexual abuse at exploitation ang tatlong menor de edad matapos ang operasyon ng NBI-Anti Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD).
Sinabi ng ahensiya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Australian Federal Police (AFP) at Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC), na nahuli ng kanilang hanay ang Argentinian na si Victor Daniel Ibarra sa Sydney, Australia dahil sa possession of Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) ng tatlong mentor de edad.
Nabatid na mayroong partner si Ibarra na isang Filipina na residente sa Cebu kung saan kapatid niya ang tatlong mentor de edad.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang NBI at nailigtas ang mga biktima.