Tutol ang Metro Manila mayors sa panukala ni Manila Representative Joel Chua na buwagin na ang Metro Manila Development Authority (MMDA)
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora, hindi kakayanin ng kanilang hanay na pangasiwaan ang problema sa trapiko kung wala ang MMDA.
Sinabi pa ni Zamora na malaki rin ang papel na ginagampanan ngayon ng MMDA sa ipatutupad na single ticketing system kung saan magiging centralized na ang paniningil sa mga traffic nviolations.
Hindi rin aniya kaya ng LGUs na tugunan ang mga flood mitigating programs.
Higit aniyang naramdaman ang kahalagahan ng MMDA nang tumama ang pandemya sa COVID-19.
Sa halip na abolisyon, sinabi ni Zamora na idaan na lamang sa mabuting usapan ang sigalot.
Nais kasi ni Chua na buwagin na ang MMDA dahil naapakan na nito ang hurisdiksyon at kapangyarihan ng Metro Manila mayors.