“Teaching is the one profession that creates other professions, kahit Pangulo ng bansa o pinakamagiting na Senador pa—lahat ay pinanday ang kaisipan at hinubog ang buong pagkatao ng ating mga guro” Iyan ang pambungad ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., sa pag-sponsor niya ng ‘Kabalikar sa Pagtuturo Act,’ sa plenaryo ng Senado na ang layon ay maisulong ang pagtaas sa ibinibigay na Teaching Supplies Allowance ng mga pampublikong guro. Sa paliwanag ni Revilla, sa panukala ay unti-unting itinataas ang naturang allowance mula sa kasalukuyang P5,000 hanggang P10,000 sa loob ng tatlong taon. At bilang pag-iingat, ayon sa senador, sa posibleng pagbabago ng presyo ng teaching supplies, ay nakapaloob sa naturang panukala ang automatic adjustment tuwing tatlong taon upang umakma sa mga gastusin. Nabanggit niya ang kasalukuyang alokasyon sa allowance sa ilalim ng General Appropriations Act ay PHP 4.8 Bilyon at kailangan lamang ng karagdagang P2 bilyon kapag ang halaga ay umabot na sa P7,500 at P4.5 Bilyon naman kapag umabot na sa P10,000 sa taong 2025. “This is less than 1% of the total budget of DepEd. In this era of the trillions-peso budget, napakaliit lang po nito para ipagkait natin”, dagdag pa ni Revilla. Sinabi pa ni Revilla na ang mga guro umano ay overworked at underpaid at ang kasalukuyang cash allowance ay Php 5,000 para sa buong taon na kung idi-divide sa 203 araw, ang kabuuang school days na idineklara ng DepEd para sa School Year 2022-2023 ay papatak na lamang itong Php 24 kada araw.
Dagdag ‘Chalk Allowance’ ng mga public school teachers itinutulak ni Revilla
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...