Magpapagawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong tulay mula Cavite patungo ng Bataan.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, gagawin ang inagurasyon ngayong taon sa Bataan-Cavite bridge.
Ito ay may haba na 32 kilometro at dadaan sa Manila Bay.
“I think what we have not really told the President is that … and we informed him actually about one of the very significant projects that will be implemented in Metro Manila, and this is the bridge that will connect Cavite and Bataan. This is about 32 kilometers of the bridge across Manila Bay,” pahayag ni Bonoan.
“And this will include dalawang big bridges; one of the bridges will be 400 meters and the other one is 900 meters. And this will be, iyong mga bridges na ito will be, iyong mga cable-stayed bridge – if you have seen cable-stayed bridges. And the detail engineering is now ongoing; it’s about 70% complete. And we told the President that it will be ready within the year actually to break ground the implementation of this very significant bridge,”dagdag ni Bonoan.
Sa halip na limang oras, magiging dalawang oras na lamang ang biyahe kapag natapos na ang Bataan-Cavite bridge na mayroong apat na lane.
Nasa P175 bilyon pondo ang laan sa proyekto. Ito ay sa pamamagitan ng Official Development Assistance mula sa Asian Development Bank.
Para sa taong 2023, sinabi ni Bonoan na nasa 70,000 na infrastructure project ang ipagagawa ni Pangulong Marcos.
Nasa P890 bilyong pondo ang inilaan para sa naturang proyekto.
Mga major at local projects aniya ang ipagagawa ngayong taon.
Kabilang sa mga ipagagawa ng Pangulo ang mga kalsada at tulay.
Halimbawa na ang Cavite-Laguna expressway at iba pa.
Bukod sa mga kalsada at tulay, may ipagagawa rin aniya na mga silid aralan para sa Department of Education.
Mayroon din aniyang mga farm to market road para naman sa Department of Education.
Sabi ni Bonoan, kasama rin ang pagpapagawa sa mga kalsada patungo sa mga tourist destination at sa mga production areas para sa Department of Trade and Industry.
May ipatatayo rin aniya na mga transport projects gaya ng rail projects para naman sa Department of Transportation.
Sabi ni Bonoann, kasama na sa 70,000 na proyekto ang mga nakuha sa foreign trip ni Pangulong Marcos.
Halimbawa na aniya ang mga proyekto na popondohan ng Chinese Exim Bank.