Sen. Padilla itutuloy ang pagsusulong ng Cha-cha

Photo credit: Senate of the Philippines/Facebook

 

Hinding-hindi  isusuko ni Senator Robin Padilla ang pagsusulong ng panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Ito ay sa kabila ng pahiwatig ni Senate President Juan Miguel Zubiri na walang sapat na bilang ng mga senador na sumusuporta sa Charter-change o Cha-cha.

Paglilinaw lang ni Padilla na hindi kailanman siya pinigilan ni Zubiri sa pagtutulak na maamyendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas.

Kayat aniya patuloy ang pagsasagawa niya ng public hearing bilang namumuno sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Sinabi pa ni Padilla na wala rin siyang balak na makipag-usap kay Pangulong  Marcos Jr. para ilapit ang Cha-cha  dahil iniiwasan niyang  ng isipin ng pubbliko na nagpapailalim ang Kongreso sa Ehekutibo.

Hindi rin aniya mahalaga sa kanya kung mabigo o magtagumpay ang kanyang nais basta naipakita niya na may paninindigan siya dahil ang Cha-cha ay isa mga naipangako niya noong kampaniya.

Read more...