Mga balota para sa BSKE naimprenta na lahat ng Comelec

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na kumpleto at tapos na ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.   Ayon kay Comelec spokesman Rex Laudiangco, halos 92 milyon balota ang naimprenta para sa halalan sa Oktubre 30.  

“Ang idadagdag na nga lamang po naming imprentahan ay iyong mga tatanggapin nating bagong botante at mga na-reactivate na botante na umaabot lamang sa 1.6 million,” aniya.

Sabi pa ni Laudiangco, naipadala na ang iba pang mga kagamitan na gagamitin sa naturang eleksyon.

Hinihintay na lamang aniya nila ang desisyon ng Korte Suprema kung sa Oktubre 30 ang eleksyon o magtatakda ng maagang petsa.

Kinuwestiyon ni election lawyer Romulo Macalintal sa SC ang pagpasa ng Kongreso ng panukala para sa pagpapaliban ng BSKE, gayung ang Comelec lamang aniya ang may kapangyarihan upang gawin ito.

Read more...