Humingi na si Senator Sherwin Gatchalian ng P16 milyon na danyos sa kasong sibil na isinampa niya laban kay dating Energy Secretary Alfonso Cusi.
Nabatid na sa halaga ng danyos, P10 milyon bilang moral damages, P5 milyon bilang exemplary damages at P1 milyon para sa bayad sa kanyang abogado. Magugunita na inireklamo ni Gatchalian si Cusi dahil sa mapanirang pahayag ng huli laban sa una sa website ng Department of Energy (DOE). Ang kaso ay naisampa na sa Valenzuela City RTC Branch 282. Sa pahayag ni Cusi sinabi nito na may masamang motibo at pamumulitika lamang ang isinagawang pagdinig ukol sa Malampaya deal ng Senate Committee on Energy, na noon ay pinamumunuan ni Gatchalian. Sinabi pa ni Cusi na ang mga pagdinig ng komite ay base lamang sa ‘innuendos’ at ispekulasyon ng mga tao may interes sa negosyo. Nag-ugat ang pagdinig sa pagkakalipat ng 45% participating interest ng Chevron Phils., sa Chevron Malampaya sa UC Malampaya, na pag-aari naman ni Dennis Uy, na kilalang kaibigan ni dating Pangulong Duterte. Sa naging reklamo ni Gatchalian, sinabi nito na lubhang mapanira ang pahayag sa kanya bilang mambabatas at sa kanyang integridad bilang lingkod-bayan. Pagdidiin pa ng senador, lubhang mapanirang puri din ang naging bintang ng dating kalihim na pinoprotektahan lamang ng senador ang interes ng iilan.MOST READ
LATEST STORIES