Matutuwa ang mga gunagamit ng diesel o krudo sa kanilang sasakyan, samantalang malulungkot nanan ang de-gasolina ang sasakyan.
Bukas P0.10 ang ibaba ng halaga ng kada litro ng diesel, samantalang P0.60 naman sa kerosene, base sa magkakahiwalay na abiso ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp.
Madadagdagan naman ng P1,00 ang presyo ng bawat litro ng gasolina.
Maliban sa kerosene, susunod sa paggalaw ng mga presyo ng gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines Inc., at Unioil Petroleum Philippines Inc.
Tumaas na ng P5.70 ang bawat litro ng gasolina ngayon taon, bumaba naman ang diesel ng P0.90 at P1.05 sa kerosene hanggang noong Marso 7.
Noong nakaraang linggo, tumaas ang halaga ng diesel ng P1.50, P0.40 sa gasolina at P1.25 sa kerosene,