Pilipinas tutulong sa mga biktima ng lindol sa Syria

 

Magpapadala ng tulong ang Pilipinas sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol sa Syria.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil,  nasa US $200,000 na financial assistance ang ibibigay ng Pilipinas sa Syrian Arab republic.

Bukod pa ito in-kind relief assistance.

Idadaan ang naturang tulong sa Department of Foreign Affairs.

Una rito, nagpadala na ng tulong ang Pilipinas sa Turkiye.

Isang 82-man Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent ang ipinadala sa Turkiye.

Nasa 1,022 na pasyente ang natulungan ng delegasyon ng Pilipinas.

Nakatulong din ang delegasyon sa pagsasagawa ng search and rescue operation sa 36  na gumuhong gusali.

Nakapagbigay ang Pilipinas sa Turkiye ng mahigit 11,000 piraso ng kumot, 5,000 piraso ng bonnets at 420 na pares ng gloves.

 

 

Read more...