Marcos sa Comelec: Tiyakin na maayos ang eleksyon

 

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Commission on Elections na magiging maayos ang eleksyon sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagdalo sa 2023 National Election Summit sa Sofitel Philippine Plaza sa Manila habang abala rin ang Comelec sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

“On this note, I underscore the COMELEC’s critical role as the guardians of our people’s sovereign will in ensuring the integrity of the electoral process,” pahayag ng Pangulo.

“Hence, we should ensure accurate and unalterable results so as to maintain the sanctity of the polls and the people’s trust,” dagdag ng Pangulo.

Payo ng Pangulo sa Comelec, maging bukas sa mga rekomendasyon ng mga eksperto para matiyak na magiging maayos ang eleksyon.

“It is encouraging to know that prior to this summit, the preparatory consultations with various stakeholders in the public and private sectors were conducted nationwide. From these pre-summit meetings, it has come to the attention that several reforms in the election process must be made,” pahayag ng Pangulo.

“And given these findings, let us take these matters seriously as the outputs obtained from these activities are indisputably significant. We must act on it decisively and enforce concrete measures to turn our plans into reality,” dagdag ng Pangulo.

Tiwala ang Pangulo na dahil sa mga makabagong teknolohiya, makapagpapatupad ang Comelec ng mga reporma at mapapabilis ang pag-transmit ng mga boto.

“As a democratic and republican government, we derive our power from the people, we recognize that sovereignty is exercised by its citizens through suffrage. On this note, I underscore the Comelec’s critical role as the guardians of our people’s sovereign will in ensuring the integrity of the electoral process,” dagdag ng Pangulo.

 

Read more...