Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang ilang lugar sa bansa.
Ayon sa shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, positibo sa red tide ang baybaying dagat ng Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay Sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Pinagbabawalan ang mga residente na kumain ng lahat ng klase ng shellfish lalo na ang Acetes sp. o alamang.
Maari naming kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango.
Payo ng BFAR, kinakailangan na hugasan at luting Mabuti lamang.
Ligtas naman na sa red tide ang San Pedro Bay sa Samar.
MOST READ
LATEST STORIES