Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat maging mabilis ang Commission on Elections (Comelec) sa pagresolba sa mga disqualification cases at hindi na paabutin pa sa araw ng eleksyon.
Kabilang sa dapat na agad matukoy an gang nuisance candidates.
Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 1061 para maamyendahan ang ilang probisyon sa Omnibus Election Code of the Philippines kaugnay sa pagkansela sa certificate of candidacy ng nuisance candidates.
Gayundin, nais ng senador na maging election offense ang nuisance candidate.
Sinabi pa nito na kapag naaprubahan, maaring maging susi pa ito para maiwasan ang tensyon sa pagitan ng magkakalaban sa pulitika.
“Layon ng panukalang batas na pigilan ang umuusbong na hindi etikal na electoral practice ng ilang indibidwal na kumikita mula sa halalan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga pangalan na may layuning abusuhin ang sistema na sumisira sa mithiin ng karapatang pagboto at malayang halalan. Dapat matigil na ang ganitong gawain at ang pagtukoy at pagpaparusa sa mga gawaing ito ay tamang hakbang upang protektahan ang ating demokrasya,” sabi ni Gatchalian.
Makatuwiran lamang aniya na ideklarang nuisance candidate ang naghahain ng COC para kumita ng pera