Pagcor fund sa child development program dapat magpatuloy – Angara

Hindi matatawaran ang kahalagahan ng National Child Development Centers (NCDCs) sa paghahanda sa mga bata sa pagpasok sa paaralan.

Ito ang katuwiran ni Sen. Sonny Angara sa pagsusulong niya na magpatuloy ang paglalaan ng pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) sa naturang programa.

Ang pagpapatayo ng NCDCs ay isa sa mga pangunahing probisyon sa RA 10410 o ang Early Years Act of 2013, na bumuo sa Early Childhood Care and Development Council (ECCDC).

Ang batas ay isinulong ni Angara, noong nasa Kamara pa lamang siya, gayundin ng kanyang amang si dating Senate President Edgardo Angara.

Ayon sa senador, layon ng batas na maging education-oriented institutions ang day care centers at hindi lamang magmistulang playground ng mga bata.

“Through the NCDC, we have improved the health  and nutrition of these children and reduced the rate of dropouts in school,” ani Angara.

Pagbabahagi niya na base sa ulat ng ECCDC, may 878 NCDCs na sa bansa sa 51 porsiyento ng lahat lalawigan, lungsod at bayan sa bansa.

Nabatid na kada taon, P500 milyon ang natatanggap ng ECCDC mula sa Pagcor.

Read more...