Mindoro oil spill clean-up dapat gawin ng mga responsable – Sen. Bong Go

Kung sino ang may pananagutan sila ang dapat na magsagawa ng clean-up.   Ito ang sinabi ni Senator Christopher Go kaugnay sa lumalawak na epekto ng daang-daang libong langis na tumagas mula sa lumubog na MT Princess Empress sa dagat ng Naujan, Oriental Mindoro.   Aniya bukod sa kalikasan, naaapektuhan na rin ang kalusugan ng mga residente.   Sinabi pa ni Go na dapat tiyakin ng gobyerno na agad malilinis ang mga nagkalat na langis at dahil malaking trabaho at gastusin ito. Pagpapaalala pa ng senador na dapat matiyak ang maayos na kalusugan ng mamamayan sa mga lugar na apektado ng oil spill.   Mahalaga din aniya na matukoy kung ligtas pa ba for human consumption ang mga isdang nakukuha sa karagatan. 

Read more...