Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang sasantuhin sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagpatay sa sa Negros Oriental.
Partikular na ang pagpatay kay Governor Roel Degamo noong nakaraang Sabado, Marso 4, sa kanyang bahay sa bayan ng Pamplona.
Gayundin sa pagpatay sa tatlong katao noong 2019, kung saan isinasangkot si Rep. Arnolfo Teves Jr.
“We are investigating anybody with a possible culpability. We would not exempt anybody,” ani Remulla.
Pag-amin niya may mga nalaman siyang mga dati ng kaso ng pagpatay sa lalawigan.
“What comes out is a pattern of impunity that we did not sense before. This is something so new to us. It’s very hard to imagine this happened before,” sabi pa ng kalihim.
Sinabi pa niya na may mga dati ng kaso na naibasura at nagpahiwatig ito na maaring silipin muli ang mga ito.
Kasama si Remulla nang bumisita si Pangulong Marcos Jr., sa burol ni Degamo.