PBBM Jr., sumali sa national earthquake drill

PCO PHOTO

Nakiisa si Pangulong Marcos Jr. sa nationwide earthquake drill na inorganisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC.

Eksakto las dos ngayong hapon nang lumabas ng tanggapan ang Punong Ehekutibo.

Suot niya ang hard hat, tinakpan ng Pangulo ang kanyang ulo at nagtungo sa Palace grounds.

Kasama ng Pangulo na nakiisa sa earthquake drill sina Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos, Special Assistant to the President Anton Lagdameo at National Security Adviser Eduardo Ano.

Layunin ng earthquake drill na maturuan ang publiko kung ano ang mga dapat na gawin oras na tumama ang malakas na lindol sa bansa.

Read more...