Philhealth members’ benefits, coverages pinalawak ni PBBM Jr.

PCO PHOTO

Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawakin pa ang coverage sa mga miyembro nito.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo  kay Philhealth  acting president at CEO Emmanuel Ledesma Jr.,  sa Malakanyang, sinabi nito na mula sa 90, dapat ng gawin sa 156 sessions ang hemodialysis coverage kayat  ang dialysis support ay atlong beses kada linggo sa mga outpatients. Kasama rin sa short-term plan ngayon ng Philhealth ang paglalatag ng mobile app at short message service (SMS) confirmations, pati na ang implementasyon ng bagong  benefit packages. Kabilang sa mga bagong benefit packages ang  outpatient mental health benefit package, outpatient package for severe acute malnutrition para sa mga batang edad limang taong gulang pababa at pagpapalakas sa Konsulta package. Balak rin ng PhilHealth na i-rationalize ang Covid-19 in-patient packages, reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) at rapid antigen tests pati na ang isolation packages. Para sa  mid-term plan na ipatutupad sa 2024, bibigyan ng PhilHealth ng general amnesty ang mga employers at government agencies na hindi nakabayad ng premium payments kung saan saklaw nito ang mga businesses, employers at individuals lalo na ang  small at medium enterprises na hindi kayang bayaran ang   3 percent interest sa mga hindi nabayarang  premium payments. Balak din ng Philhealth na pagmultahin ang mga pasaway na doktor  sa halip na  bawiin ang kanilang binayarang accreditation.

Read more...