Pangulong Marcos Jr., nangako ng hustisya sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo

PCO PHOTO

Dumalaw si Pangulong Marcos Jr., sa burol ni Negros Oriental Governor Roel Degamo sa Dumaguete City kagabi.

Ipinangako nito na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Degamo at iba pang biktima ng pamamaril.

“I just came here para makiramay sa family ni Gov. Roel. Nagtatanong lang kami kung ano pa ‘yung kailangang gawin, paano matulungan ‘yung mga biktima at pati ‘yung mga nasa ospital ngayon. Nandiyan ‘yung mga ibang kamag-anak at asawa ng mga namatay kaya’t nakausap din natin. Sinabi ko lang sa kanila na makakaasa sila na magkakaroon ng hustisya dito sa inyong probinsiya na naging masyadong magulo na,” aniya.

Bibigyan din ng Pangulo ng educational scholarship ang mga anak ng mga nasawi sa pamamaril, samantalang sasagutin na rin niya ang mga gastos sa pagpapagamot sa mga nasugatan.

Mariing kinondena ng Pangulo ang pamamaslang kay Degamo noong Sabado ng umaga sa loob mismo ng bakuran ng kanyang bahay sa bayan ng Pamplona.

“My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” pahayag ng Pangulo. “This is entirely unacceptable and it will not stand. The suspects cannot GO unpunished,” pahayag pa ng Pangulo.

Read more...