Hindi naitago ni Pangulong Marcos Jr., ang kasiyahan dahil halos natupad ang pangarap niya na maging piloto.
“Pero matagal ko ng actually gustong gawin ‘yun pero hindi ako naging piloto. Kaya’t nag-take advantage na ako. Kasi nabanggit ko na noong lumilipad ‘yung mga fighter jets doon sa pag-uwi namin galing sa mga bisita, eh nabanggit ko sabi ko masarap siguro makasakay man lang. So pinagbigyan naman ako,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi ito ni Pangulong Marcos Jr., matapos makasakay sa bagong FA-50PH fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) sa Clark Air Base sa Pampanga.
Ginamit niya ang ‘call sign’ na Lawin pagsubok niya sa flight capability ng PAF.
Nangyari ito sa turn-over ar blessing ng bagong C-295 medium lift aircraft ng PAF.
“Ang gagaling talaga ng piloto natin. That’s why we have to continue to encourage the modernization of our Armed Forces para ‘yung capabilities natin ay mas tumibay pa,” pahayag ng Pangulo.
Pag-amin niya naobserbahan niya ang kapabilidad ng mga piloto sa kanyang pagsakay sa fighter jet kayat aniya napakahalaga ng paigtingin pa ang modernisasyon para sa pagdepensa ng teritoryo ng Pilipinas.
Umabot ang flight demo sa Pangulo sa Zambales Intensive Military Training Area sa may dalampasigan ng South China Sea kasama si Lt. Colonel Malbert Maquiling,