Naapektuhan ang daloy ng trapiko sa southbound lane sa EDSA dahil sa sunog na naganap sa Bel Air Makati
Ang sunog sa bahagi ng Zodiac Street, Bel Air Makati City ay nagsimula alas 8:18 ng umaga.
Dahil sa makapal na usok, isinara ang bus lane sa EDSA patungong Buendia at nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA southbound.
Itinaas sa 2nd alarm ang sunog alas 8:24 ng umaga kanina at idineklarang fire under control alas 8:49 ng umaga.
Alas 9:13 naman ng umaga nang tuluyan nang maapula ang apoy.
MOST READ
LATEST STORIES