Inalok ni Pangulong Marcos Jr., ang 15,000 mangingisda na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Inatasan na niya ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsagawa ng clean up drive sa lugar.
“Ang aking instruction sa, together DOLE, DSWD, pag yung clean up , kasi yung mga mangingisda hindi makapangisda ngayon, bawal mangisda kayat wala silang hanapbuhay, pinalitan natin ng cash for work program dahil sila ngayon ang maglilinis at binabantayan namin ng husto, ” pahayag ng Pangulo.
Una rito, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na maaring abutin ng isang buwan ang paglilinis sa 800,000 litro na karga ng lumubog na oil tanker.
Umaasa ang Pangulo na hindi sana matagal ang paglilinis para makabalik na sa pangingisda ang mga apektadong residente at hindi matulad sa Guimaras oil spill na inabot ng apat na buwan ang paglilinis.
“And hopefully kung hindi kaya ng one month sa hopefully less kasi ang Guimaras na oil spill apat na buwan bago na cleanup, siguro naman this time, kasi mas bawas ng konti ang oil spill ay mas mabibilisan natin, kahit na hindi sa isang buwan, hindi naman siguro natin paabutin ng apat na buwan, ” pahayag ng Pangulong Marcos Jr.
Ibinahagi din niya na tumutulong na ang mga pribadong korporasyon pati na ang Japan sa paglilinis sa oil spill.
” Ito ay malaking bagay upang, yung hindi pa, yung langis na hindi pa umaabot sa lupa ay pwede na nating harangin, ngunit meron na talagang umabot dahil hindi natin nahanap noon kung saan ang barko, ngayon nahanap na, alam na nila yung location nung barko, mula dun makikita na natin kung saan dumadaan yung langis kayat medyo maforecast na natin kung saan pupunta,” dagdag pa nito.