Paglipat ng BuCor, Bilibid sa Rizal naudlot

Nakabinbin ang planong paglipat ng  Bureau of Corrections’ (BuCor) headquarters sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Ito ang ibinahagi ni BuCor acting Director-Gen. Gregorio Catapang matapos ang pagdinig sa Senado.

Ayon kay Catapang kailangan pa ng masusing pag-aaral sa plano para sakupin nila ang 270 sa 300 ektaryang ‘georeserve’ dahil kailangan na ikunsidera ang magiging epekto sa kalikasan ng pagpapatayo ng kanilang pasilidad sa lugar.

Matatandaan na nailaan sa BuCor ang 270 ektarya base sa proklamasyon ni dating Pangulong Arroyo noong 2006.

Hinihikayat ng enviromental groups sina Pangulong Marcos Jr., at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pigilan ang plano dahil maaring maapektuhan ang Upper Marikina Watershed.

Sinabi naman ni Catapang na hindi nila ipipilit ang plano kung makakasama ito sa kalikasan base sa gagawing pag-aaral ng mga eksperto.

Read more...