Mistulang nabagwisan ng mga pakpak ang higit 200 hinihinalang ‘flying voters’ na makapagparehistro sa Cavite City matapos madiskubre ang hindi nila pagiging lehitimong residente ng lungsod.
Sa dalawang pagdinig, hindi nakumbinsi ang City Election Registration Board na maituturing ng residente ang mga nagparehistro sa Barangay 25.
Mayorya pa sa mga ipinatawag para patunayan na sila ay residente ay hindi sumipot sa dalawang pagdinig.
Mismong si Barangay Chairperson Apple Paredes ang nakadiskubre ng mga ‘bagong rehistro’ sa kanilang barangay at una pa lang aniya ay wala na itong sapat na dahilan.
Pagbabahagi ng nagsisilbing konsehal din ng lungsod, humigit-kumulang 300 lamang angf rehistradong botante sa kanilang barangay noong nakaraang 2022 national and local elections.
Kayat aniya imposible na may karagdagang higit 300 silang kabarangay dahil sa kabuuan humigit kumulang lang ang residente ng kanilang barangay kung isasama sa bilang ang mga bata at kabataan.
Nadiskubre na ang mga nagparehistro ay tunay na mga residente ng mga kalapit na bayan at ayon sa opisyal ang mga ito ay ‘hakot’ lamang.
Tumestigo din sa mga pagdinig ang mga mismong may-ari ng bahay o address na isinulat ng mga dayo sa kanilang voter’s registration application.
Pagdududa nito, ang pagdapo ng ‘flying voters’ sa kanilang lugar ay may kinalaman sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre 30.
Bukas, Marso 8, may higit 100 pa ang ipinatawag sa pagdinig para patunayan ang kanilang address sa registration form.