Libreng PAP smear, alok ng QC govt para sa mga kababaihan

 

May ikinakasang mga aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa pagdiriwang ng National Women’s Month celebration.

Tema ngayong taon ang “Gender Equality for an Inclusive Society.”

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilang sa mga aktibidad ang pagbibigay ang libreng PAP smear testing.

Nag-organisa naman ang Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) ng POP QC-Women’s Month Bazaar sa Quezon City Hall grounds.

Sa ganitong paraan, mabibigyan ng livelihood training ang mga babaeng negosyante.

Nag-organisa rin ang Gender and Development (GAD) office ng mga seminars may kaugnayan sa sexual harassment, women’s rights at mental health.

May photo contest naman ang Public Affairs and Information Services Department (PAISD) habang ang Gender and Development (GAD) office ay nag-organisa ng essay writing at poster making contest.

Magbibigay naman ang QC Public Library ng librengkape at tokens for para sa unang 500 women clients.

Mayroon ding Zumba sessions, medical missions,  free cervical cancer screenings, at ultrasound.

“Gaya na lang ng higit isang daang kababaihan na nasagip ng Task Force Magdalena, karamihan ng mga biktima ay edad bente uno pataas at ipinasok sa mga spa o massage parlors na nag-aalok ng extra service,” pahayag ni Belmonte.

Nabatid na mula nang ilunsad ang Men Against Violence Everywhere (MOVE) at Cycling to End VAW, nakapagtala na ang lungsod ng 2,000 reports sa pang-aabuso sa mga babae.

“Any number other than zero is simply unacceptable,” pahayag ni Belmonte.

Nagbigay din si Belmonte ng 600 na bisekleta para sa mga babaeng pumapasok sa trabaho.

Nasa 17,000 na kababaihan sa lungsod ang nakatanggap na ng tulong para sa sakit na hypertension pati na ang libreng laboratory testing, maintenance medicines, regular blood pressure monitoring at follow-up care.

Nakipag-ugnayan na rin ang lungsod sa Philippine Cancer Society para sa ACT NOW Prime Care for Breast Cancer Program kung saan 20,000 kababaihan ang mabibigyan ng libreng breast cancer assessment at laboratory tests sa Pilot Site sa Barangay Commonwealth.

Nagbigay na rin ng P20,000 na cash assistance ang lokal na pamahalaan sa 19,000 na kakabaihan para sa pagsisimula ng negosyo.

Nasa 2,700 single mothers naman ang binigyan ng sari-sari store sa pamamagitan ng “Tindahan ni Ate Joy” program.

 

Read more...