Daang-daang milyong piso nawawala sa ekonomiya dahil sa tigil-pasada

 

Sinabi ng grupo ng mga negosyante na daang-daang milyong piso ang nawawala sa ekonomiya sa pagkasa ng isang linggo na tigil-pasada.

Paliwanag ni Sergio Ortiz-Luis Jr., pangulo ng Employers Confederation of the Phils. (ECOP) mistulang ipinatupad ang COVID 19 alert level 2 dahil sinuspindi ang face-to-face classes at ang mga kawani naman ay kailangan na sundo’t hatid kung hindi uubra sa kanila ang work-from-home arrangement.

Sabi pa nito na bagamat may mga nagpatuloy na pumasada, malaki pa rin ang epekto ng transport strike sa Metro Manila.

Sa kabilang bansa, sinabi ni Luis-Ortiz na naiintindihan niya kung pumapalag ang mga operators at drivers dahil sila ay nadidiktahan.

“I cannot blame them  because these are the livelihood of these people and you cannot impose on them an arrangement that cannot work for them,” dagdag pa nito.

Read more...