Nababahala na rin ang maraming senador sa kanilang pansariling seguridad matapos ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng bakuran ng kanyang bahay sa bayan ng Pamplona.
Ito ang ibinahagi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva matapos ilitaniya ang pagpatay sa mga aktibo at dating halal na mga opisyal sa pagpasok ng administrasyong-Marcos Jr.
“It tells us we need to be more proactive. Enhance security protocols, How would you feel?” It’s imperative for leaders like us to double check our security. Syempre concern yon,” ani Villanueva matapos tanungin ukol sa gagawing ‘security adjustments’ ng mga senador.
Pagbabahagi pa niya na ilang senador ang nagbalik na ng firing range para magsanay pa ng husto bilang proteksyon sa kanilang sarili at pamilya.
Ayon pa kay Villanueva, umiikot sa buong bansa ang mga senador para ipaliwanag ang kanilang mga adbokasiya kayat napakahalaga na matiyak ang kanilang kaligtasan.