Chiz: Intel funds gamitin sa ‘all-out war’ laban sa gun-for-hire syndicates

Hinikayat ni Senator Francis Escudero ang gobyerno na gamitin ang intelligence funds para labanan at sugpuin ang mga sindikato ng ‘gun-for-hire’ sa bansa.

“Only the identification and dismantling of groups of hired killers can assassinations be stopped,” diin ni Escudero matapos kondenahin ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Sabado ng umaga.

Diin ng senador ang pagpatay kay Degamo ay patunay na nagmimistulang ‘cottage industry’ na sa bansa ang ‘gun-for-hire.’

Kayat hinikayat niya na ang P5.22-billion intelligence funds ay ipamahagi sa mga ahensiya para sa pagtugis sa mga ‘paid assasins.’

“Kaya kahit mahuli pa ang pumatay kay Governor Degamo, hindi garantiya ‘yan na walang kasunod kung merong mga kriminal na ginawang negosyo ang  pagkitil ng buhay,” aniya.

Dagdag pa ni Escudero: “Killings eventually become a revolving door phenomenon if we do not neutralize the actors now and in the long run, fix the kinks in our justice system.”

Read more...