Tiniyak ng kalihim ang kanyang suporta para sa promosyon at education campaign ukol sa mga polisiya sa Active Tranportation, mga proyektong pang-imprastraktura at protocols. “We will continue this crusade for the Active Transport agenda, as we have commenced this launching and embark on a challenging yet fulfilling mission of consistently educating, informing and empowering our citizens on the vital role of Active Transport—its policies, infrastructure and protocols,” aniya. Nabanggit naman ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor na nakapagtalaga na ng 564 kilometro ng ‘protected bike lanes’ at ito ay madadagdagan pa aniya ng 470 killometro ngayon taon.
MOST READ
LATEST STORIES