23 senador pinalusot ang P14.49-B utang ng CARP beneficiaries

 

Senate PRIB photo

Inaprubahan ng 23 senador sa third at final reading ang panukala na ‘bubura’ sa P14.499 bilyong utang ng mga magsasaka na benepisaryo ng Comprehensive Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ipinaliwanag ni Sen. Cynthia Villar, ang nag-sponsor ng panukala, na sasakupin ng panukala ang dalawang uri ng utang ng mga benepisaryo.

Una, ang mga benepisaryo na  may pagkakautang sa Land Bank of the Philippines.

At pangalawa ay ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang mga may utang naman sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Nakasaad din sa panukala na hindi maaring ipagbili o ilipat ang inihandog na lupa maliban na lang sa mga kaanak, sa gobyerno, sa Land Bank o sa ibang kuwalipikadong benepisaryo.

Ang pagbebenta o paglilipat ay kinakailangan na may Certificate of Land Ownership Award mula sa DAR.

Read more...