8 bayan sa Oriental Mindoro, isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill

 

Walong bayan na sa Oriental Mindoro ang nagdeklara ng state of calamity.

Ito ay dahil sa oil spill mula sa lumubog na MT Princess Sunken.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng state of calamity ang mga bayan ng Naujan, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao.

Una nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Pola na unang tinamaan ng oil spill.

Sa kabuuan, nasa 77 na coastal villages mula sa siyam na bayan ang naapektuhan ng oil spill.

Nasa 15,000 na mangingisda, resorts, at iba pang business establishments ang naapektuhan.

 

 

Read more...