Weekly COVID 19 cases average, tumaas – DOH

Tumaas ng 10 porsiyento ang average na bilang ng naitatalang bagong COVID 19 cases sa bansa sa nakalipas na Pebrero 27 hanggang kahapon, Marso 5.

Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), sa nakalipas na isang linggo, may 913 bagong kaso ang naitala.

Ang bagong daily average ng kaso ay 130 na mataas ng 10 porsiyento kumpara sa mga naitala noong Pebrero 20 hanggang 26.

Sa mga bagong kaso, walang malubha ang kalagayan.

Bagamat, may nadagdag na 56 na pumanaw dahil sa sakit at anim sa kanila ay noong Pebrero 20 hanggang Marso 5.

Samantala sa kabuuang bilang ng mga aktibong kaso, may 395 na naka-admit sa mga ospital, may 263 ang  intensive care units at 2,840 naman ang nasa non-ICU beds.

 

Read more...