Dahil suspendido, Draymond Green, panonoorin na lang ang game 5 ng NBA finals

Draymond GreenDahil hindi makakapaglaro sa game 5 ng NBA Finals ngayong araw, magkakasya na lamang si Golden State Warriors forward Draymond Green na panoorin ang laro.

Magaganap ang game 5 ngayong alas 9:00 ng umaga oras Pilipinas at sa pagkakataong ito ay sa Oracle Arena gaganapin ang laban na home court ng Warriors.

Ayon kay Catherin Aker, director for corporate communications ng Oakland Athletics, present si Green sa game 5 mamaya bilang suporta sa kaniyang teammates pero dahil suspendidoat bawal siya sa Oracle Arena, sa kalapit na Oakland Coliseum manonood si Green.

Si Green ay pinatawan ng one game suspension ng NBA dahil sa flagrant foul nito kay Lebron James noong Game 4.

Matapos ang foul, nagkasagutan pa sina Green at James.

Sakop ng suspensyon ang pagbabawal kay Green sa loob ng Oracle Arena, dalawang oras bago magsimula ang game.

Pero papayagan naman siyang makapasok sa Arena pagkatapos ng laro para maki-celebrate sa koponan sakaling maipanalo na nila ang serye.

 

 

Read more...